About Me

My photo
A greatly blessed, highly favored and deeply loved princess by the King of kings.

Friday, February 26, 2010

2010 Philippine Election


Here comes the time when government officials are busy touring around the country and really getting sweat to meet and handshake every voter along the way.

For the presidentiables, I have my choice but it’s not yet final. In reality, I haven’t really studied the credentials of each candidate yet, or even just the “possibles” for that matter. The vice president, senators and below the ranks, will come later.

Just this week I watched from the news about the minorities in Zambales learning the new process of voting. I got goose bumps while seeing them study the electronic voting system. Some were nervous when they mis-inserted the ballot in the machine. Others grinned as they perfectly made it through. These are aetas doing their part so they can join and exercise their veto rights. And here I am having all the resources to do mine, but still reluctant and complacent with the coming election. But after watching that news, I was moved to start praying for and evaluating my candidates. I am one of those who are hoping that Philippine government will improve and I believe I should be doing my part as well. Yes, it may take a long time for the changes to happen but at least I can give my share.


I find it funny though when people ask me who's my bet for the president's role and then when I give my answer, they usually say (in shocked), "Oh, really?" Sorry guys, maybe next time just tell me yours if that is what you want to say.

As the election date comes nearer, I pray that there will be less violence and less deceit as we wait on who will take those positions and take the lead in managing our dear beloved country. There are many sweet promises and good plans being laid down for the Filipinos, will they ever come true? I hope so…

Monday, February 1, 2010

Christmas Letter


I always wanted to go back to school. I was thinking of enrolling for a masteral's degree or even a short-term course on chemistry or animal nutrition. But probably my willingness is not enough to start any of it. So when the GLC course was opened, I excitedly enrolled!

It was fun attending classes again. I got the Saturday schedule and after all these months, every Saturday class is an exciting day for me. I make it a point that I wake up early so I won't be late (we have a high-tech sign-in process so late comers are detected, hehehe).

Every now and then, we have projects and assignments. And last December we have been given a project to write a letter to someone we do not know. I am not really sure if my letter was given to anyone, but I find it interesting to share what I wrote (if there are people who might drop by at this site and hopefully they are Pinoy, hehehe). I love writing letters to friends and loved ones and so when this project was given, I enthusiastically wrote down what's in my mind and what's in my heart.
I hope you will find this worth reading...

December, 2009

Sa isang minamahal,

Mapagpalang araw sa iyo!

Marahil ay nagtataka ka sa pagtanggap mo ng liham na ito. Nais ko lamang ibahagi sa iyo ang kaunting kwento ng aking buhay at dalangin ko na sana ay ma-bless ka habang binabasa mo ito.

Ako ay si Marie Clemente, single at nakatira sa Calumpit, Bulacan. Nasa grade 5 ako noon nang malaman kong di pala totoo si Santa Claus. Alam mo bang tuwing Pasko ay excited ako sa regalong matatanggap ko kay Santa Claus? Minsan ay di talaga ako natutulog pagkatapos ng noche Buena dahil gusto kong makita nang personal si Santa Claus. Kaya ganun na lang ang disappointment ko nang malaman kong di pala tuna yang pinaniniwalaan ko. Maraming taon at Pasko na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang pangyayaring iyon.

Mayroon pang isang pangyayari sa buhay ko na hinding hindi ko malilimutan. Lumaki akong pala-simba at ang aming pamilya ay nagdarasal ng sabay-sabay. Maayos ang aking pag-aaral at hindi ako sakit sa ulo ng aking mga magulang. Sa tingin ko ay walang problema sa akin. Mabait ako. Yun ang alam ko. Ngunit isang araw ay may nag-share sa akin tungkol kay Hesus. Buong akala ko ay ayos na ayos na ako. Nalaman kong makasalanan pala ako. Nagsisinungaling, nag-iisip ng hindi maganda sa kapwa, sumasagot sa magulang – ang lahat pala ng ito ay katumbas din ng malalaking kasalanan. Ang kasalanan pala sa mata ng Diyos ay pantay-pantay. Pinaka natakot ako nang malaman kong ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan – kamatayang papunta sa impyerno. Ayokong mapunta ang kaluluwa ko sa impyerno. Laking tuwa ko nang ipaliwanag sa akin ang lalim ng pagmamahal ng Diyos sa akin. Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa akin kaya’t pinadala Nya ang nag-iisa Nyang Anak na si Hesus para Sya ang tumubos ng aking kasalanan. Sya ang nagbayad na dapat ako ang gaganap. Ang kapalit ng Kanyang kamatayan ay ang kapatawaran ng aking kasalanan, ang pagkakaroon ko ng buhay na walang hanggan at ang pagbibigay sa akin ng karapatan na maging anak ng Diyos. Ang lahat ng ito ay regalo ng Diyos, ang kailangan lang ay tanggapin ang regalong ito. Tulad ng paghihintay ko noon sa regalo ni Santa Claus, excited ko ding tinanggap ang regalong binigay ni Hesus. Buong pagpapakumbaba kong inamin ang aking kasalanan, hiningi ng tawad ang mga ito at malaya kong binuksan ang aking puso para kay Hesus. Nakadama ako ng tunay na kaligayahan sa aking puso. Ngayong alam kong natanggap ko na ang pinaka mahalagang regalo sa buong mundo – ang kasiguraduhan ng pagkakaroon ko ng tunay na relasyon sa Diyos at ang kasiguraduhan na pag ako’y nawala na dito sa mundo, diretso akong mapupunta sa kaharian ang aking Amang nasa langit.

Ikaw, natanggap mo na ba ang pinakamahalagang regalo? Kung hindi pa, sana’y huwag mong palagpasin ang pagkakataong ito na tanggapin ang regalo ni Hesus. Lumapit ka sa Kanya at buong pusong ibigay ang buhay mo. Naghihintay Sya sa iyo.

Ngayong kapaskuhan, inaalala natin ang pagsilang ni Hesus – ang Kanyang birthday. Dalangin ko na ngayong taon ay madama mo ang tunay na dahilan ng Pasko. Ipinanganak si Hesus para sa iyo. Nabuhay Sya bilang tao para sa iyo. Namatay Sya sa krus para sa iyo. At nabuhay Syang muli para sa iyo. Kaibigan, ang pagmamahal ni Hesus ay para sa iyo. Ikaw ang laging laman ng Kanyang puso. Ikaw ang laging laman ng Kanyang isipan. Ganyan ka Nya kamahal. Alam ko dahil na-experience ko ito. Ako ay nagpapatotoo sa kabutihan at pag-ibig ng Diyos.

Isang makabuluhang Pasko ang iniiwan ko sa iyo. Naghihintay na ang regalo mo. Buksan at tanggapin mo.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng liham ko. Hindi man tayo magkakilala ng personal, dalangin kong magkikita tayo sa kaharian ng Diyos balang araw.

Mahal na mahal ka ng Diyos!


Gumagalang,

Marie Clemente