About Me

My photo
A greatly blessed, highly favored and deeply loved princess by the King of kings.

Wednesday, December 1, 2010

A Year-end Story?

Isang buwan na lang and another year is over. Ang bilis talaga ng panahon, sabi nga nila. Totoo nga kayang bumibilis ang takbo ng orasan? Minsan napapaisip ako kung nababago ba ang speed ng pag-ikot ng mundo? Ngunit ang lahat naman ay ginawa ng Diyos na sakto lang, walang labis at walang kulang.

Noong nakaraang taon, may matinding pagsubok ang dumaan sa buhay ko. For the first time, I cried so hard because of heartache. Yung iyak na napapanood ko lang sa mga movies, na tingin ko pa nga ang OA (over acting). Pero totoo palang pag sobrang sakit, mapapaiyak ka na lang nang labis. Akala ko matindi na yun, pero mas matindi ang mga dumaan ngayong taon.

Sa kauna-unahang pagkakataon I was hurt by someone I considered one of my very best friends. Di ko alam nasasaktan pala sya sa mga ginagawa ko na ang akala ko naman ay okay lang sa kanya. Nung nalaman ko yun, nasaktan ako dahil may tinatago na pala syang hinanakit sa akin. Ngunit ang pinakamasakit ay ang pag-isipan nya ako ng di magagandang bagay. Nag-usap kami at sinabi nya sa akin lahat ng naramdaman at inisip nya. Sobrang sakit na marinig yun, halos hindi na makakita ang mga mata ko sa sobrang iyak. Hindi ko akalaing mapapag-isipan nya ako ng ganun. Ilang araw ko ring dinamdam yun. Ngunit nangibabaw ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Sa ngayon, okay na kami. Sabi nya kalimutan na namin yun at humingi rin sya ng sorry sa akin.

Ngayong taong ding ito, my family went through a very difficult trial. Something unexpected happened to one of our dear loved ones. Yung kasabihang pinagsakluban ng langit at lupa, parang ganun ang naramdaman namin. At for the very first time, each of us cried, men and women in the family. And at that moment, my respect towards my father was even intensified. I know he was also hurting but since he is the leader of the family, he needed to encourage and strengthen us. He showed us the positive side of the situation. He reminded us of the love of God. I cried in gratefulness to the Lord for blessing me with a father like my Tatay.

At the last quarter of this year, I also experienced a slight depression (or maybe because of the previous trials that I went through) when one of the most precious friendships I have was tainted. Ang hirap din nung time na yun. On those moments that I needed a friend, di nya ako sinamahan. Inisip ko pa nga na siguro meron din syang pinagdadaanan kaya umiiwas sya sakin. I tried to reach out sa kanya, pero ang layo nya. Sabi nya sa akin lagi lang syang nandyan dahil kaibigan ko sya, ngunit nung mga oras na pinaka-kailangan ko sya, dun naman sya lumayo. Until we talked and I learned bakit sya lumalayo. Wala akong naramdaman nung nag-uusap kami, isang linggo yata ang lumipas bago nag sink in sa akin yung sinabi nya. And when I realized everything, I felt I lost another friend. Nag-flash back ang lahat, hirap pigilan ang luha. Nararamdaman ko naman na nagri-reach out sya, kaya lang di pa siguro ako handa na magtiwala muli. I still need to compose myself and wait for that time na pwede ko na ulit ibalik ang trust ko sa kanya. I know I also have my shares why that thing happened, kaya I also limit myself sa pakikipag usap sa kanya. As of now, I don’t know if what we had will be restored. Pero hopeful ako that God can make all things possible, hopeful ako that when He restores our friendship, it will be better that the one we had.

Sa lahat ng ito, namamangha pa rin ako especially when I heard again the footprints in the sand. Namamangha ako sa faithfulness and grace ni God towards me. Isang taon na that He’s is carrying me. Isang taon na there is only one set of footprints in the sand. Isang taon na at ni minsan wala akong narinig na reklamo or condemnation galing sa Daddy God ko.

Meron pang natitirang isang buwan sa taong ito, maganda or hindi ang dadating, sigurado ako that my God will stay the same. Nothing and no one can take away His love for me. He is my constant Companion, my very best Friend, my Protector, and my Shoulder to cry on. God, thank You, thank You that when You said that I am Your princess, You mean its truest meaning. The year 2010 may have been full of trials, but this year made me love You even more.

2 comments: